Tagalog

Ang Domus Pacis Fatima Hotel at Retreat Center ay tahanan ng World Apostolate of Fatima, Blue Army, ito ay isang malaki at magandang pasilidad na nasa tapat lamang ng kalye mula sa dambana ng Fatima.

Sa bungad ng Domus Pacis, ang imahen ng Mahal na Birhen, Regina Pacis ay bumabati ng bukas palad sa kanyang tahanan.

Sa likod nito ay ang imahen ni San Jose, ang tagapag-alaga ni Maria at Jesus.

Ang tradisyunal na Portuguese guesthouse na ito ay isang three-star hotel, na nag-aalok ng lahat ng mga modernong kasangkapan; kabilang ang isang restawran at kapehan, naghahatid ng de kalidad na lutuin, at komplimentaryong WIFI. Ang aming auditorium ay may kapasidad para sa dalawang daang katao.

Ang mga espirituwal na pangangailangan ng lahat ng mga deboto ay mahalaga sa aming pamamahala at kawani. Ang Domus Pacis ay merong malaki at maliit na kapilya ng Latin Rite at isang kapilya ng Byzantine.

Halina at manuluyan dito sa Domus Pacis. Garantisado ang pambihirang serbisyo ng aming mga kawani, upang matulungan kang makaranas ng isang makabuluhang paglalakbay sa banal na lugar sa dambana ng Fatima.

Makipag-ugnayan sa amin: tours@avemariapilgrimages.com